Una sa Balita

Kapakanan ng education sector isusulong ni Bam

0 140

NANGAKO si Senador Bam Aquino na susuportahan ang kapakanan ng education sector kasama na ang pagsusulong ng dagdag sahod sa mga guro at iba pang education support personnel sa pampubliko at pribadong education institution.

Ito ay kasunod ng kanyang pagsuporta sa Alliance of Concerned Teachers (ACT). “Kasama tayo ng ACT sa isinusulong nilang mga reporma sa sektor ng edukasyon, kabilang na ang dagdag na benepisyo sa ating mga guro na napakalaki ng papel na ginagampanan sa pagpapalago ng lipunan,” saad ng senador.

Bukod sa dagdag na sahod sa mga guro, nangako rin ang senador na makikipagtulungan sa ACT para sa pagsasaayos ng mga package ng benepisyo sa sektor ng edukasyon at matiyak ang sapat na pondo sa libreng edukasyon sa lahat ng lebel. (Dang Samson-Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy