Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KAPA member arestado sa murder

0 342

Pinosasan ang isang lalaki na pinaniniwalaang miyembro ng Kapa Community Ministry International dahil sa kasong murder, sa South Cotabato, Miyerkoles.

Kinilala ni Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) chief Brig. Gen. Jonnel Estomo ang dinakip na si Crispin Pariolan, na wanted dahil sa ilang serye ng kidnapping.

Ayon sa pulisya, sangkot si Pariolan sa pag-kidnap kina Rogelio Casida noong 2019, at Remily Iral ngayong tao.
Hinuli ang suspek sa Brgy. Cannery sa bayan ng Polomok bandang alas-1:50 ng hapon sa bisa ng nilabas na arrest warrant ni Judge Jose Tabosares ng Kabacan, Cotabato Regional Trial Court Branch 16.

Si Pariolan ay dinala sa police station ng Polomok, at nilipat sa sattelite office ng PNP-AKG sa South Cotabato para maproseso at makuwestiyon.

Ang grupong umano’y kinabibilangan ng suspek ay isang investment scam group, na pinasimulan ni Joel Apolinario.
Matatandaan na pinatigil mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang operasyon ng KAPA dahil sa scam, kung saan noong Hulyo ay nakorner na si Apolinario at iba pang kasamahan nito sa isang resort sa Surigao del Sur para harapin ang kasong estafa.

Leave A Reply

Your email address will not be published.