Una sa Balita

Kanye West isinusumpa ng mga African-American

By
0 1,222

Pinahamak ni Kanye West ang kanyang sarili nang mag-comment ito tungkol sa slavery. Sa isang live interview sa TMZ, sinabi nito na ang 400 years of enslavement ng maraming African-Americans ay isang choice.

“When you hear about slavery for 400 years. For 400 years? That sounds like a choice,” sey ni Kanye.

Dito na nagimbal ang ilang staff ng TMZ na Afro-American. Nag-viral ang statement na ito ni Kanye sa social media at nagkaroon tuloy ng hashtag na #IfSlaveryWasAChoice.

Kabilang sa sumama ang loob sa sinabi ni Kanye ay ang Black Eyed Peas member na si Will.I.Am.

Sa interview ni Will sa Good Morning Britain, sinabi nito na na-heartbroken siya sa mga sinabi ni Kanye tungkol sa kanilang lahi.

“Its not & never was by choice. There were lots on slaves that revolted & they were lynched or shot & raped, physically, psychologically with spiritual warfare that is still present today. To say that was their choice is to blame it all on our ancestors & it Disrespects their suffering…” tweet ni Will.

Isa pang nag-tweet ng kanyang disappointed sa rapper ay ang author na si Roxane Gay.

“I don’t have the energy for nonsense but Kanye saying slavery was a choice reiterates my previous statements about how dangerous his trite, shallow ramblings are. He is not a free thinker. He is a free moron who doesn’t read.”

Ang black actor na si Wendell Pierce ay ito naman ang nai-tweet:

“It is clear that @kanyewest is being sensational for the sake of publicity. I could care less about that. But for you to use the murder and holocaust of slavery for your own self aggrandizement is at the core of your vile appeasement of white supremacists.”

Sinubukan na bumawi ni Kanye sa pamamagitan ng pag-explain ng gusto niyang ipunto sa topic na slavery.

“The reason why I brought up the 400 years point is because we can’t be mentally imprisoned for another 400 years.

We need free thought now. Even the statement was an example of free thought It was just an idea.”

Pero walang sumang-ayon sa tweet na ito Kanye at dumami pa lalo ang mga nagalit sa kanya.