Kanya-kanyang dagdag-bawas ngayon
By Eralyn PradoNagpatupad na nga ng dagdag-bawas ang mga kumpanya ng langis epektibo ngayong umaga pero hindi nagkapare-pareho ng presyo ang mga ito.
Ang Chevron, magbabawas ng 10¢ sa kada litro ng gasolina at magdadagdag ng 35¢ sa bawat litro ng diesel at plus 20¢ naman sa kerosene, simula ngayong alas-sais ng umaga.
Related Posts
Samantalang ang Pilipinas Shell, magtatapyas ng 25¢ kada litro sa kanilang gasolina at katulad na halaga ang ipapatong sa diesel (35¢/litro) at kerosene (20¢/litro) kasabay rin ng Chevron.