Kanya-kanya nang hakot!

By

Dahil sa ­paniniwalang hindi magtatagal sa kapangyarihan dahil ­bukod sa matanda ay may sakit pa, mistulang piyesta na ang mga tao ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkamal sa kaban ng bayan.

Ito ang isiniwalat ni Magdalo partylist Rep. Gary Alejano sa kasong katiwalian na laman ng impeachment case na isinampa nito laban kay Duterte.

“Ngayon itong panga­lawang bahagi, corruption at kontra krimen. Eh siya mismo ay hindi niya maklaro ang sarili niya sa corruption. At ngayon ang mga tao niya sa gobyerno na nagbo-boodle fight sila sa pera ng kaban ng ­bayan,” ani Alejano.

Ang katiwalian na sinasabi ni Alejano sa kanyang isinampang kaso ay natuklasan umano ng Commission on ­Audit (COA) kung saan 11,000 ghost employees sa Davao City noong mayor pa si Duterte kung saan umabot aniya sa P708 million ang nawala sa kaban ng bayan.

“Eh bina-brush aside lang nila (ang katiwalian umano ni Duterte).

Pero sa katunayan, hindi nga sila coordinated, kanya-­kanya sila ng kuha ng pera sa gobyerno dahil naririnig natin na nagpa-­fund raising dahil sa tingin nila ay matanda at may sakit na si Duterte kaya kailangan na nilang magmadali.”

Hindi aniya ito dapat balewalain dahil matindi aniya ang magiging tama nito sa ekonomiya ng bansa kaya isinampa na nito ang impeachment case laban sa Pangulo.


SHARE