Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kantero niratrat sa harap ng utol, apo

0 229

Todas ang isang mason matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek habang papasok sa kanyang trabaho sa Nasugbu, Batangas Huwebes ng umaga.

Walang buhay na bumulagta sa damuhan sa gilid ng kalsada ang biktimang si Ramonito Roxas, 59, residente ng Sitio Batulao, Brgy. Kaylaway, Nasugbu dahil sa mga tama ng bala sa katawan.

Sa report ng pulisya, alas-6:45 ng umaga, kasama ang kanyang kapatid at apo, naglalakad ang biktima papasok sa trabaho sa isang construction site ng Masgro Builders Corporation nang harangin ito ng nakamotorsiklong suspek. Kasunod noo’y walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima gamit ang kalibre .45 baril at saka mabilis ding tumakas.

Hindi naman ginalaw ng suspek na nakasuot lamang ng maong shorts at gray jacket ang dalawang kasama ng biktima.

Patuloy pa ang imbestigasyon at inaalam ang motibo sa krimen. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.