Una sa Balita

Kanta ni Maine No. 1 agad sa iTunes PH

0 588

Iba pa rin ang in­fluence ni Maine Mendoza lalo na sa mga fan niya. Ang debut single niya sa Universal Records na “Parang Kailan” na iri-release pa lang, pero sa iTunes Philippines, nag-top na agad ito sa pre-selling chart.

As in, hindi pa ito talaga nilalabas sa market at alam namin, malapit pa lang matapos ni Maine ang mga kanta niya. Obviously, pa-birthday na ito ni Maine sa kanyang mga loyal na tagahanga.

Kagagaling lang ni Maine ng El Nido, Palawan silang dalawa ng boyfriend na si Arjo Atayde. Napakarami ng sightings at pag-amin at mga kuwento na nga mismo sa dalawa ng relasyon nila.

Pero, hanggang ngayon, ang dami pa rin delusional fans na nagta-tag kay Maine at kay Alden Richards din naman na kasal at mag-asawa na raw sila.

May pa-birthday rin kaya si Maine sa mga ganitong klase na nagsasabing “fan” daw niya, huh?!

Mga artista tuloy lang sa syuting, taping

Bukod sa mga kinanselang pasok sa eskuwelahan, marami na ring mga restoran ang nagsara muna dahil sa COVID-19. Kasama na nga ang bagong bukas na cat cafe na litterbucks ng magdyowang Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na nag-anunsiyo na isasara muna nila ito until further notice.

Nagsisimula na raw sila ng sanitation para maprotektahan din nila ang kanilang mga cat-loving customer.

Pero sa showbiz, tuloy-tuloy lang ang taping, shooting. Tulad ni Jennyly Mercardo na dire-diretso lang sa taping ng primetime series nila ni Dingdong Dantes.

As the saying goes in showbiz, “the show must go on.”

Shanti Dope hindi boyfriend material

Sobrang kabaligtaran naman pala itong si Shanti Dope sa totoong buhay bilang isa sa mga sikat na young generation of songwriter/rapper. Kung papanoorin at papakinggan ito with all his hit songs, ang astig-astig ng dating. Pero nang pagtatanungin na namin tungkol sa babae at relationship, tawa nang tawa at wala halos maisagot.

“Sa totoo lang, mahirap mag-commit sa ngayon. ‘Yong matagal ngang mag-asawa, naghihiwalay pa. Siguro ‘yong sa akin, darating din na ah, ito na ngayon. Saka parang sobrang bata ko pa lang din, parang hindi ako ‘yong pang-boyfriend material,” sabi niya.

Torpe siya?

“Sa totoo lang, hindi ako ‘yong lalaking lumalapit. Baka mamaya iba ‘yong dating sa kanila,” sagot niya.

Parang natatakot na nahihiya na naiilang naman ito at idinadaan sa katatawa nang tanungin namin at his age, 18, sino sa mga young actresses ngayon ang tipo niya.

Nandiyang nag-mention na kami ng mga pangalan tulad nina Julia Barretto, Kathryn Bernardo, Liza Soberano.

“Hahaha! Basta ang sa akin, ‘yong tulad ng ermats ko na maalaga.
Mahirap magsalita. Mahirap ‘yan, mahirap ‘yan…”

At saka nagbiro na, “Lahat sila! Kapag singer raw, isa lang. Kapag rapper, marami! Hahaha! Joke lang, joke lang! Basta, darating at darating din ‘yan.”

Sa kabilang banda, sa bilis ng pagsikat ni Shanti, kasabay rin nito ang iba’t ibang isyu na binato sa kanya, lalo na sa kanta niyang “Amats” pero mas lalo pa raw siyang nagpursige dahil sa nangyari.

“Basta ako, tuloy-tuloy lang at saka feeling ko, after five years, iba na rin ang mangyayari pati sa music industry.”

Unang beses naman ni Shanti na magkakaroon ng bar tour. Mapapanood na siya ng live sa Padi’s Point. Kahit millennial, ang tatay raw niya ay tumutugtog din kaya very familiar siya sa Padi’s Point na isa sa pinakamatagal na gimikan na bar & resto sa bansa.

Ngayong siya naman, sey niya, “Nakakatuwa lang din na nare-recognize na nila ang hip-hop.”

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More