Una sa Balita

Kanta ni Iñigo inawit ni Seungri

0 676

Ni: Rose Garcia

Nabahiran kaya ng inis o galit ang kasiyahan sanang nararamdaman ni Iñigo Pascual? Ang saya-saya pa naman nito dahil sa nalamang kinanta ng pinaka-maknae ng BIGBANG na si Seungri at ni Sandara Park ang hit song niyang “Dahil Sa ‘Yo” sa naging The Great Seungri Tour 2019” in Manila noong Sabado ng gabi sa MOA Arena.

Nanghinayang pa ang anak na ito ni Piolo Pascual na hindi raw niya napanood nang live at napanood na lang sa mga uploaded videos. Kung nandun daw siya, malamang ay hihimatayin daw siguro siya.

Pero ‘yun nga, just hours or a day after, napasabak naman ang ama niya na si Piolo sa isang basher. Dahil ito sa ini-upload na picture ni Piolo sa kanyang Instagram account sa kanilang naging pagtakbo sa Jakarta through their endorsement na Sunlifeph. Sukat ba namang may IG user na biglang nag-comment na, “Mag amang bakla ha ha.”

Hindi “patola” si Piolo sa mga basher, pero obviously, hindi na nito kinayang palampasin pa ang netizen na buong ning­ning silang tinawag na bakla ng anak.

Nag-reply si Piolo at hinamon ng suntukan ang IG user. Sey ni Piolo, “suntukan tayo!”

Base sa palitan nila ng reply, mukhang nagtapos na sa paghahamon ni Piolo na i-public nito ang account na ‘di na sinagot pa ng basher. Halos lahat naman ng netizens na nag-comment sa IG post na ‘yun ni Piolo ay nagsabing ‘wag na lang nitong pansinin ang netizen. May nagpayo naman sa actor na idemanda raw nito.

Existing pa rin ang IG account nung @superleovi na base sa profile niya ay Leovi Reyes ang nakalagay na profile name. Ipinost pa ni Piolo sa IG story niya ang account nito na na naka-private pa rin at hindi sinunod si Piolo na i-public.

Tila dedma at hindi naman na pumatol pa si Iñgo sa nam-bash sa kanilang mag-ama.

***

Rochelle, Arthur ‘di magkasundo sa pangalan ng anak

Sa halip na tanggapin ang mga gustong magbigay ng surprise baby shower sa mag-asawang Rochelle Pangilinan at Arthur Solinap, tinanggihan itong lahat ni Rochelle, instead, sila na ang nag-organize ng baby shower para sa first baby nila which is, a baby girl at ipapangangak na niya sa end of February.
Katwiran ni Rochelle, parang ang tamad daw niya at kapag tinanggap niya ang isang pa-baby shower, lahat na nga naman ay dapat puntahan niya. Grateful naman daw sila ni Art sa lahat nang nagpaplano, kabilang na ang matalik niyang kaibigan na si Andrea Torres.

So ‘yun nga, isahan na lang at sila na ang nag-host noong Linggo ng gabi.

Isinabay na rin ang birthday celebration ni Arthur. Hindi naman daw siya nahirapan dahil same team pa rin ng mga suppliers noong wedding nila ang kinuha nila. At tulad ng wedding theme nila, rustic pa rin ang theme ng baby shower at kapansin-pansin na may fresh apple kada isang guest sa table nito.

Kasi raw, nire-ready na nila na hanggang sa binyag at first birthday, rustic pa rin ang theme. Kung magmamana kay Arthur na maputi ang anak, malamang ay Snow White raw ang tema ng party at pasok pa rin ang rustic vibes.

Excited na raw sila ni Art sa pagdating ng baby nila, though kung siya ang masusunod, ayaw raw sana niyang magpa-4D ultrasound para surprise kapag nakita nila si baby paglabas nito. Pero dahil gusto raw ni Art, baka ngayong araw nila ito gawin.

May mga naisip na silang ipapangalan sa anak. Pero, hindi pa raw sila nagkakasundo ni Arthur at magkaiba ang name na gusto nila.

Sa ngayon, pa­tuloy pa rin na nagte-taping at napapanood si Rochelle sa primetime series ng GMA-7 na “Onanay.” Sinabihan naman daw siya ng O.B. Gyne niya na as long as hindi siya nagbi-bleed, puwede pa siyang magtrabaho.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More