Una sa Balita

Kanta ng Pinoy band sa UAE pasok sa 9 online store

0 216

Nakapasok sa siyam na pinakamalaking online store ang inilabas na single ng isang all-Filipino band sa United Arab Emirates (UAE).

Nagsimulang umugong ang bandang Skwalado sa UAE matapos nilang maglabas ng kanta na nagpapakita ng “secret emotion” para sa mga taong la­ging “on the go” noong nakaraang taon.

Naitampok na rin sila sa isang radio station sa UAE at Philippine foreign office.

Mapapakinggan ang single nilang “Malayo” sa Spotify, iTunes, Apple Music, Amazon.com, Google Play, Deezer, YouTube Music, iHeartRadio at Napster.

Kuwento ng Skwalado drummer na si Gilbert Magat sa GMA News, noong nagsisimula pa lang siya bilang OFW bago umalis papuntang UAE ay naranasan niyang magkaroon ng mixed emotions na masaya dahil aalis abroad pero nag-aalala rin dahil iniisip ang mga bagay at sitwasyon na kakahara­pin sa ibang lugar. (IS)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More