Una sa Balita

Kanselasyon ng Tokyo Olympics aprub kay Butch

0 351

NALULUNGKOT man subalit mas pinaboran ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang pagkaka-postpone sa isasagawa sana ngayong taon na kada apat na taong 2020 Tokyo Olympics dahil na rin sa panganib at posibleng pagkakahawa-hawa sa nakamamatay na sakit na coronavirus o COVID-19.

“I have always expressed that I favor its postponement, given the way this crisis seem to be taking,” sabi ni Ramirez.

“As I have mentioned before, safety and health of everyone is a top priority,” paliwanag nito.

“In the meantime, we have mobilized our Sports Psychology unit to actively check on all our athletes and conduct guidance counseling (online or by phone for now) for our athletes who might need their support given the challenges which resulted from these developments.”

Umaasa naman si Ramirez na maliit na parte lamang ang magiging epekto ng pagkaka-postpone ng Olympics para sa paghahanda ng mga pambansang atletang nakapagkuwalipika na sa pinakaprestihioyosong multi-sports na torneo sa buong mundo. (Lito Oredo)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More