Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kanong titser, guilty sa child porn sa ‘Pinas

0 425

Ginamit ng isang Amerikanong music teacher ang kanyang propesyon para makapangmanyak ng mga estudyante sa elementarya.

Batay sa plea agreement na nakuha ng The Times, ayon sa ulat ng ABS-CBN News, idinetalye roon ang federal charge kung saan nag-plead ng guilty si John Edward Zeretzke, 61, ng Ventura, California.

Sa pagitan ng Disyembre 2016 hanggang Pebrero 2017, nakipag-ugnayan si Zeretzke sa natipuhan niyang batang babae na 16-anyos pababa sa Pilipinas.

Nagpadala siya ng pera sa kaanak ng bata at humingi ng mga malalaswang larawan nito gayundin ay nag-i-screenshot siya ng mga hubad na larawan ng bata sa video chat.

Maliban sa kaso niyang child pornography sa Pilipinas, may iba’t ibang sex crime laban sa mga bata si Zeretzke sa US kabilang ang pagbibigay umano niya ng mga flute na may bahid ng semilya sa mga estudyante saka ito kukunan ng larawan. (Issa Santiago)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.