Una sa Balita

Kano todas sa pagsabog ng vape pen sa Florida

By
0 1,748

Nagmistulang granada ang vape pen na hinihithit ng isang 38-anyos na lalaki sa Estados Unidos matapos itong sumabog at pagmulan ng apoy na siyang ikinamatay ng biktima.

Sa autopsy report ng Pinellas-Pasco Medical Examiner, ang sanhi ng pagkamatay ni Tallmadge D’Elia, 38, ng St. Petersburg, Florida noong Mayo 5 ay dulot ng ‘projectile wound of head’ at pagkasunog ng 80 porsyento ng kanyang katawan.

Ayon sa U.S. Fire Administration, ito ang kauna-unahang kaso ng pagkamatay dahil sa pagsabog ng vape pen. Mula 2009 hanggang 2016, 195 kaso ng pagsabog o pag-apoy ng electronic cigarette ang naitala, 133 na biktima ang sugatan, 38 ay malubha.

Ang bangkay ni D’Elia ay nakita sa nasunog na bahay nito kung saan nagsimula ang apoy mula sa sumabog na vape pen.