Una sa Balita

Kano nahatulan sa pagnenok ng bayawak sa ‘Pinas

0 358

NAG-PLEAD ng guilty ang isang lalaking taga-Florida ng pag-smuggle ng buhay na water monitor lizard mula sa Pilipinas saka ito dadalhin sa Amerika.

Ayon sa Boston.com report, naghain ng guilty plea si Akbar Akram, 44, sa Tampa federal court sa isang count ng wildlife trafficking na paglabag sa Lacey Act and the Convention on International Trade in Endangered Species Treaty.

Umamin si Akram na iligal siyang nagpuslit ng mahigit 20 buhay na bayawak mula sa Pilipinas noong 2016.

Nakakapuslit aniya siya sa mga customs authority sa pamamagitan ng pagtatago sa bayawak sa medyas na naka-tape at nakalagay sa loob ng electronic equipment.

Naipapadala ang equipment sa pamamagitan ng mga commercial carrier na patungo sa kasabwat ni Akram sa Massachusetts. (Issa ­Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More