Una sa Balita

Kano kulong ng 330 taon sa child sex sa ‘Pinas

By
0 3,290

TAMPA, Florida-Hinatulan ng 330 taong pagkakakulong sa federal prison ang isang 56 taong gulang na Amerikano na nagpabalik-balik ng Pilipinas bilang child sex tourist.

Napatunayan ng grand jury sa Florida na walang pag-a-alinlangang nagkasala si David Paul Lych sa kasong Child Pornography

Batay sa testimonya at ebidensya na iniharap sa korte ni Assistant United State Attorneys Jennifer L. Peresie at Erick K. Gerard, simula 2005 hangang 2015 ay nagpabalik-balik sa Pilipinas ang manyakis na si Lych para gumawa ng kahalayan sa ilang menor-de-edad sa tulong na rin ng mga bugaw na kontak ng kano.

May mga video din na nakuha ang FBI agent mula sa tahanan ni Lych sa Venice, Florida kabilang dito ang video ng tatlong menor-de-edad na Filipina na nakikipagtalik sa kanya.

Ang mga ebidensyang ito ang nagpatibay sa kasong isinampa ng Project Safe Childhood ng US Department of Justice laban sa kanya.