Una sa Balita

Kanlungan ng mga may kapansanan nasunog, 8 patay

0 263

NASAWI ang walo katao matapos tupukin ng apoy ang isang tahanan para sa mga may kapansanan sa Czech Republic.

Ayon sa BBC report, 30 pa ang sugatan sa insidente sa western town ng Vejprty.

Naapula ang apoy makalipas ang dalawang oras sa tulong ng mga German rescuer matapos mahirapan ang Czech crew dahil sa sama ng panahon.

Nagsimula ang sunog sa isang kuwarto na kumalat sa dalawa pang kuwarto sa tahanan ng may 35 katao na karamihan ay mga lalaki na may mental disability.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng sunog kung saan walo ang namatay dahil sa nalanghap na usok.

Dinala na sa mga temporary house sa Vejprty ang mga survivor.
Ito na ang pangalawang pinakamatinding sunog na nangyari sa Czech Republic na ang una ay noong 1990 na ikinasawi ng siyam na katao. (Issa Santiago)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More