Una sa Balita

Kandidatong barangay chairman, inireklamo ng pananakit, pagmumura

By
0 616

NASA ‘hot water’ ngayon ang isang barangay chairman na kandidatong konsehal sa Unang Distrito ng Maynila matapos ireklamo ng isang tricycle driver ng pana­nakit at pagmumura sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS).

Sa reklamo ni Norberto Santos, 40-anyos, taga-No. 157 Dandan St., Tondo, Maynila sa MPD-GAIS, naganap umano ang pananakit sa kanya ni Barangay Chairman Eduardo Soli, ng Brgy. 116 Zone 9 noong nakalipas na Pebrero 19.

“Nagkaharap na ho kami sa Barangay Bureau ng Manila City Hall pero wala din nangyari kaya dumiretso na ako dito,” ayon kay Santos.

Nabatid na naganap umano ang insidente bandaang alas-12:00 nang tanghali matapos siyang puntahan ni Solis sa kanilang Toda sa may Dandan St. at pilit na hinihingi ang P2,000 donasyon niya sa asosasyon.

Nakiusap umano ang biktima na pagbalik na lang sila mag-usap dahil may ihahatid siyang estyudyante na siniserbisyuhan ng kanyang tricycle.

Bigla na lamang umano siyang sinuntok at minura ni Solis na kinasuhan niya ng public scandal at light physical injury.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More