Una sa Balita

Kanang kamay ng senador binoykot sa Christmas party

By
0 23

Mistulang binoykot ng ibang senador ang inihahandang malakihang Christmas party sa Senado.

Sa nakalap na impormasyon ng petmalung spy na si Mang Teban, binalak daw ng staff ng senador na pag-isahin na lamang ang Christmas party ng buong miyembro ng Senado.

Sa ganitong paraan daw kasi, malaki ang matitipid ng mga senador dahil hindi naman kalakihan ang iaambag nila sa tinatawag na unity party.

Subalit ngayon pa lang, isa-isa nang kumalas ang ibang senador sa gimik ng staff lalo na noong nabalitaan na hindi naman successful ang ginawa nito noong nakaraang taon.

Kahit nagsama-sama daw kasi ang resources ng higit sa 16 senador noon, naging matamlay naman ang dating sa mga bisita dahil bitin sa pagkain at bitin din sa raffle pri­zes kung saan hanggang ngayon ay may premyong hindi pa rin naibibigay sa winner.

Imbes na kagatin ang plano ng umeepal na staff, humiwalay na lang daw ang ibang senador upang sa gayon ay makapag-organize sila ng mas bongga at mas masayang Christmas party.

Hindi niyo masyadong kilala ang pangalan ng staff pero itong senador na pinaglilingkuran niya ay kinaiinisan ng isang maimpluwensiyang tao at may letrang L sa kanyang pangalan as in Loser.