Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kampon ni Velasco binusog

0 309

Mistulang bayad utang sa pagkakaluklok ang biglang paglobo ng pondo sa distrito ng ilang kaalyado ni House Speaker Lord Allan Velasco.

Kapansin-pansin ayon kay Senador Panfilo Lacson ang paglaki ng pondo sa infrastructure project sa ilalim ng panukalang 2021 national ng mga kaalyadong kongresista ni Speaker Velasco at tinapyasan naman ang mga konektado kay dating Speaker at Taguig-Pateros Rep. Alan Peter Cayetano.

Ito ang inihayag Lacson kasabay ng pagsabing ilang kongresista ang nakialam sa paglaan ng lump sum appropriation sa ilalim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) budget.

“That’s the reason why may mga na-register na increases and decreases when the leadership changed in the House of Representatives,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ANC.

“Evidently, noticeable ito, na yung mga malalapit sa bagong Speaker, mayroong naka-register na mga increases at yung mga malalapit sa dating Speaker, `yun ang naka-experience naman ng reduction,” dagdaga nito.

Ang mga nabawasan ng pondo ay sina Camarines Sur Rep. Luis Raymund Villafuerte, kilalang kaalyado ni Cayetano na nasipa sa puwesto bilang House Speaker nong Oktubre.

“I don’t recall anymore but definitely na-reduce yung Camarines Sur,” sabi ni Lacson.

“Ang mga nadagdagan ‘yung provinces like Albay, Benguet, ‘yan yung mga–because Benguet ang caretaker congressman, the caretaker district representative there is the appropriations committee chair of the House,” dagdag nito.

Si Rep. Joey Salceda ang kinatawan ng Albay habang si ACT-CIS ang caretaker ng Benguet ay kapwa malapit kay Velasco.

Sabi ni Lacson, hindi naman nabawasan ang pondo para sa distrito ni Cayetano na paniwala nito’y bilang respeto na rin sa dating Speaker. (Dindo Matining)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.