Una sa Balita

Kampo ni Bianca pumalag sa akusasyon ng kampo ni Kyline

‘Hindi kami nag-boo sa kanya!’

0 494

abante-i-know-better-jun-nardoPinalagan ng mga fan ng Kapuso actress na si Bianca Umali ang akusasyon ng mga fan ni Kyline Alcantara na gumawa umano ng gulo habang nagpi-perform ang huli sa Vista Mall sa Iloilo City last weekend.

Sa totoo lang, tapos na ang labanan sa TV nina Bianca at Kyline nang mag-goodbye na sa ere ang series nilang Kambal, Karibal. Pero ‘yung rivalry nila eh may karugtong pa pala at tila sangkot na ang kani-kanilangng mga fan, huh!

Idinaan sa sulat ng mga fan ni Bianca ang kanilang side sa nangyari sa Iloilo ay at pinadalhan kami ng screen shots nito para pabulaanan na wala silang kinalaman sa pambubuskang natanggap ni Kyline na sanhi ng pag-iyak niya sa stage sa gitna ng kanyang performance.

Mula sa may user name na @iamsupergabb, “We didn’t got to Iloilo just to open up the issue again and do something against the other groups. We went there just for one thing, we want to show our support to our dear Bianca. She’s like a little sister. Also, she doesn’t know anything about this trip.”

“We wanted her to know that we’re here for her no matter what the circumstances were. We knew then that she has been going thru a lot lately because she was betrayed by her friend whom she loved, and was deeply hurt by someone who meant the whole world to her,” tweet naman ni@charzylainee.

“Okay, simulan sa case na nabastos si Kyline. Sinasabi na may nag-BOO at may nag-THUMBS DOWN daw habang siya ay nagpe-perform. At lumalabas na kami, o supporters ni Bianca ang gumawa…

“‘2nd fact alam mo na nahuli ka na sa programa. The least you can do is bumawi sa mga Ilonggo by means of your performance pero ano ang nangyari. Hindi mo rin ba na-realize na isa rin yan sa maaaring dahilan,” -@margharhette.

Samantala, tiklop ang bibig ni Miguel Tanfelix sa isyu na siya umanong ugat ng bangayan nina Bianca at Kyline pati na ang grupo ng mga fans nila, huh!

Bday ni Mother Lily memorable dahil kay Vice Ganda

Itinago ni Mother Lily ang mga birthday card na natanggap niya nu’ng nakaraang selebrasyon nito na naglalaman ng mensaheng nagustuhan niya. Ayaw sabihin ng Regal producer kung sino sa mga bisita niya ang nagbigay ng regalo na may pinakamalaking halaga.

“Makita ko lang kayong lahat na present sa birthday ko eh, masayang-masaya na ako kahit walang regalo!” saad ni Mother Lily sa thanksgiving party ng mo­vies na entry niya sa nakaraang Pista ng Pelikulang Pilipino, ang Unli Life ni Vhong Navarro at Signal Rock na prodyus at dinirek ni Chito Roño.

Pero bago ang thanksgiving party, pinadalhan niya ng text si Vice Ganda upang iparating ang pasasalamat sa kanyang pagdalo.

“VICE GANDA: I was really touched and happy to see you in my party. Thank you very much for making my birthday a memo­rable one. I will treasure the moment and remember in my heart. I LOVE YOU VERY-VERY MUCH. YOU ARE MY IDOL. THANK YOU.”