Una sa Balita

Kampo ng ‘MAUTE,’ nabawi ng militar

By
0 1

Nabawi ng militar ang isa sa mga kampo ng Maute terror group, isang radical jihadist na naghahasik nang kaguluhan sa mga residente sa bayan ng Butig, Lanao del Sur.

Kumpirmadong tulu­yan nang nabawi ng 51st Infantry Battalion ng Philippine Army (PA) ang pinagkukutaan kampo na Darul Iman ng mga terroristang Maute group makaraang ang sampung araw na walang humpay na ginagawang pagtugis ng military laban sa nasabing grupo na sumusuporta sa international notorious group na Islamic State (ISIS) sa nasabing lugar.

Sinabi rin ni AFP spokesperson B/Gen. Restituto Padilla, na nakilala ang dalawa sa tatlumpong pinaghihinalaang napatay mula sa Maute Terror Group ay nakilalang si Azam Ampuat Taher, na umano’y sangkot sa kasong pagpatay sa apat na Kristiyanong sibilyan sa Brgy. Raga­yan, Butig, Lanao del Sur.

Habang ang isa pang nasawi ay kinilala naman ni Col. Roseller Murillo, commander ng Army’s 103rd Infantry Battalion na si Wowie Mimbantas, umano’y anak ng dating Moro Islamic Liberation Front (MILF) leader na si Aleem Mimbantas.

Kaugnay nito ay dala­wa rin ang nasawi sa panig ng mga sundalo habang lima pa ang sugatan makaraang maputukan ng improvised explosive device habang nag papatrolya ang miyembro ng 65TH Infantry Battalion dakong alas-6:21 nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay Sandab, Butig.

Narekober sa abandonadong kampo ang itim na bandila ng ISIS, headband na may nakaprintang IS logo, mga armas, bala, mga bomba at iba pang mga kagamitan.

Bagama’t tuluyan ng nabawi ng military ang kampo ng Maute terror group tiniyak parin ng military na hindi parin nila titigilan para matiyak na wala na talagang natitirang mga miyembro ng terrorista na pakalat kalat sa lugar at target nila na tuluyan matatapos ang gulo sa nasabing lugar bago magsimula ang Ramadan sa darating na Hunyo 6, 2016.

Nagsisimula narin umanong nagbabalikan sa kanilang mga tahanan ang ilang mga residente ng Butig na nag silikas matapos na maapektuhan sa nasabing kaguluhan na inihasik ng terroristang grupong Maute.