Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kampi sa G-League kasama: Kai Sotto laglag sa NBA mock draft

0 270

Ray Mark Patriarca

Hindi makikita ang pangalan ni Pinoy phenom Kai Sotto sa bagong nilabas na 2021 NBA Mock draft ng ESPN.

Sa mock draft na nilabas noong November 24, hindi napasama si Kai sa 60 draftee para sa 2021 rookie class.

Samantala, ang iba naman nitong kasama sa G League Ignite ay nakakuha ng spot sa naturang listahan.

Tinatayang 2nd overall pick ang Fil-Am na si Jalen Green, habang nasa ninth spot naman si forward Jonathan Kuminga.

Pasok din sina Dashien Nix at Isaiah Todd sa naturang mock draft.

Sa ngayon ay patuloy ang pag-eensayo ni Kai kasama ang iba pang top prospect bago magsimula ang NBA G League season.

Advise ni Ignite coach Brian Shaw sa 7-foot-2 center, palakasin ang laro sa ilalim kaysa tumira ng mga mahihirap na fadeaway.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.