Una sa Balita

Kampeonato abot-kamay ng Blackwater

By
0 140

Isang hakbang na lang at masusungkit na ng Blackwater sa titulo sa 2016 Penang Chief Mi­nister Cup championship matapos pulbusin ng Elite ang Karnataka State-India, 113-70, noong Lunes sa Han Chiang Indoor Stadium Penang Malaysia.

Nangupete ang mga Indians at lumamon ng turnovers sa full-court pressure defense ng Elite.

Dahil sa mahigpit na depensa ng Dioceldo Sy-owned PBA squad, dala­wang puntos lang ang naitala ng Karnataka State sa huling anim na minuto sa second quarter.

Nakakolekta ang Blackwater ng 31 points sa 24 turnovers ng India para ilista ng Pinoy squad sa 4-0 card.

Kailangan lang na ta­lunin ng Elite ang host Malaysia Dragons sa Martes ng hapon ­(Miyerkules sa Pilipinas) para magkampeon.

May 3-0 baraha ang Dragons na nag hari sa 2016 ASEAN Basketball League nakaraang Marso, kaharap nila ngayon ang Zhejiang Chouzhou Commercial Bank-China (2-1).

“Sabi ko nga sa kanila kanina, wala akong paki­alam kung ano ang mangyari sa game between Malaysia and China.

I want them to win the game tomorrow so we can complete our goal of sweeping the tournament and prepare well for the next conference sa PBA,” wika ni Blackwater coach Leo Isaac.

Kumubra si big man JP Erram ng 21 points at 7 rebounds nagdagdag si Carlo Lastimosa ng 19 points habang si Jason Melano ay tumipa ng 15 puntos.

Tinalo ng Elite ang tournament-favorite Zhejiang Chouzhou Commercial Bank-China, 77-75 noong Linggo.

Mga iskor:

Blackwater 113 – Erram 21, Lastimosa 19, Melano 15, Vosotros 10, Gamalinda 8, Sena 8, Tiongosn 7, Sumang 7, Cervantes 6, Bulawan 6, Golla 4, Reyes 2.

Karnataka State-India 70 – Annadorai 24, Abhishek 10, Aravind 8, Rajesh 8, Akhilan 7, Shivrahkumar 6, ­Chethan 3, Mofeez 2, Roby 2, ­Prajinal 0.

Quarters: 26-22, 54-37, 88-51, 113-70. 

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy