Una sa Balita

Kampanyang tradisyunal

0 356

Medyo nakakawindang ang pagkampanya lately. Ayon sa diksyonaryo, ang isang kampanya ay ang organisadong pagtatrabaho para sa isang goal. Kadalasan, political goal ‘yon. Para makamit ‘yung hinahangad, may mga estratehiya at taktikang pinaplano ng naaayon sa hangarin.

Eto problema, parang hindi naman yata hangarin ng Otso ang manalo. Hamunan ba naman ng debate ang ginawa, at nag-file pa sa Come­lec. So ayan, bigo. Denied ng COMELEC at walang naakit na boto. Ni walang awa votes na nakamit.

Buti sana kung nakapuntos sila, eh nagmukha lang na naglalaway sila sa crowd drawing capability ng Hugpong o PDP Laban, o ni Mocha Uson. Tiyak may aaray dun sa huling pangalan.

Kung ang puntirya ng Otso ay manalo, ang unang gawain ay i-calculate kung ilan ang boboto sa kanila sa umpisa’t umpisa pa lang. Last year, sa madaliang sabi. Bilangin din ilan ang kailangan suyuin at maaaring masuyo. Ilan naman ang hard core at ‘di na makukumbinsi. Ilan ang maaaring magbago ng isip. Gagawin nila ito for each candidate. Usua­lly, nagpapasurvey ang mga kandidato para makuha ang impormasyon na ito.

Related Posts

Matapos nito, i-seset na ang estratehiya ng kampanya for awareness, kasi dapat alam ng mga botante na tatakbo ang taong ito. Awareness din sa capabili­ty at suitability ng kandidato. Kumbaga, kung qualified sila sa posisyon, ano rele­vant experience, etc.

Tila wala namang problema sa awareness sa bungad ng kampanya. Maganda ‘yung catch phrase nila, Otso Diretso. ‘Yun nga lang, ‘di nila na forsee ‘yung gawain ng Pinoy na balahurain ang kompetisyon. Am sure alam niyo na by this time kung saan gustong ilagay ng mga DDS ang walong ito.

Kaya nga dito natitisod ang Liberal at Liberal aligned candidates. Na-stuck sila sa tradisyunal na paraan ng pagkakampanya. Door to door. Debate. Nag advertise nga sila sa social media, ‘di naman sila makapuntos sa content.

Tapos nag-ubos ng oras at atensyon sa request magpadebate, natalakan lang sila ni Sara Duterte. Wala na ngang nasuyong boto, olats pa image.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy