Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kamote

0 33

GOOD day mga ka-Abante at mga ka-Talakan diyan.


Isa na namang very promising week ang nagdaan. Medyo back to GCQ na ang ang ibang lugar sa Pilipinas. 
Very hopeful ang mga Pinoy sa kinakaharap natin, hindi nawawalan ng pag-asa na babalik na lahat sa work mode at vibrant mode ang business sector.


Si PRRD na mismo ay nagpaturok na ng bakuna sa harap ng mamamayan para lang makapagbigay ng kumpiyansa sa lahat ng sektor ng lipunan na safe and effective ang bakuna. Para na rin mawala ang haka-haka at agam-agam o mga duda sa bakuna.
***
Sa usaping basketball naman, isang kamoteng desisyon ang ginawa ng mga organizer ng VisMin Cup nang bawiin ang desisyon kay Rendell Senining na i-reinstate ito. Nag-apologized siya sa liga at gagawa siya ng community service bilang parusa sa kanyang nagawang pagkakamali sa laro.
Since GAB ang isa sa mga ruling party dito, ano na ang mangyayari sa mga darating na laro kapag nagkaroon ulit ng ganitong pangyayari? 

Kahit mismong si coach Aldin Ayo ng UST team na nag-violate ng IATF protocols ay hanggang ngayon tuloy ang kanyang suspensiyon, kahit marami ang nag-lobby sa kanya na bumalik agad sa eskuwela. 
Ang player na si Calvin Abueva na nag-serve ng 2-year suspension without pay mga ka-Abante.
Lahat naman ito ay “for the love of the game” pero kailangan may teaching point o leksiyon para sa mga aspiring young players. 


Sa ayaw mo at gusto mo bilang manlalaro, ikaw ay isang role model, lagi kang tinitingala at iniidolo ng mga bata. Ito ay napakalaking responsibilidad na naka-atang sa balikat ng isang player.

Hindi lang sa loob kung hindi sa labas ng basketball court din. Dala mo ang pangalan ng team mo sa uniform,  dala mo din ang dangal ng pamilya at mga sumusuporta sa iyo.


Una diyan ay you have to play to the best of your ability. Dapat lagi mong ibilagay sa isipan mo na blessed ka dahil isa ka sa mga nabiyayaan na Diyos na nakakapaglaro.


Masyadong pre-mature ang naging reaction ng organizers dito. Sana man lang ay ginaya na lang nila ang mga established leagues na tulad ng PBA o UAAP na pagdating sa pagpapatupad ng desisyon eh pinipilit nilang maging patas.


Sana malampasan ng VisMin Cup organizers ang kinakaharap nila ngayon, ituloy lang nila ang pangarap ng mga manlalaro at panatilihing maayos at marangal ang liga. Small steps  ‘ika nga, parte ito ng growth ng isang liga.

***
Magpabakuna na tayo mga kababayan kung avaliable na sa inyong lugar.
Abangan ang SPORTALAKAN Man to Man with JerGer thru Facebook. 
Follow me at LYKA as defenseminister. For laundry needs, LaundryCare Alabang. 
You can order your cleaning solutions at SHOPEE thecleankind. 
You can also reach at HYPE ME. 

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.