Una sa Balita

Kambosos babush sa training ni Pacquiao

0 351

HINDI makakasama ni eight-division champion Manny Pacquiao para sa paghahanda nito sa laban kay WBA super welterweight champion Keith Thurman ang kanyang main sparring partner na si WBO at IBF lightweight contender George Kambosos, Jr.

Nakatakdang magharap si Pacquiao at Thurman sa Hulyo 20 sa Las Vegas.

Matatandaang katuwang ni Pacquiao sa training­ ang Australian fighter sa huling tatlong laban nito kontra kina Adrien Broner, Lucas Matthysse at Jeff Horn kasama pa si Justin Fortune bilang kanyang strength and conditioning coach.

Pero ayon sa Forbes.com, humiwalay na si Kambosos kay Fortune ngayong linggo.

Kasalukuyan ding naghahanda ang 25-year-old boxer para sa kanyang laban sa Hunyo 7 kasama ang bagong trainer nitong si Javiel Centeno.

Samantala, wala pang final venue kung saan magtatagpo si Pacquiao at Thurman. (Janiel Abby Toralba)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy