Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kambing walang ulo, ari na ipinanganak

0 116

ISANG kambing sa Laoag, Ilocos Norte ang isinilang na walang ulo, ari at balahibo kamakailan.

May larawan pa ito na kumakalat sa social media.

Maayos naman itong ipinanganak ng ina, pero kalaunan ay namatay din.

Isang oras lang itong nabuhay.

May mga kapatid din ito na isinilang pero normal naman lahat.

Paliwanag ng City Veterinary Office, ang nanay na kambing ay nagkaroon ng tinatawag nilang hormonal deficiency kayat kulang ang development o pagbuo ng isa nitong anak.

Posible umanong nakaranas ito ng trauma noong buntis ito. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.