Una sa Balita

Kambal Top 10 sa nursing, engineering board exam

0 466

KAPWA pumasok sa Top 10 sa mga kinuha nilang licensure examination ang magkapatid na kambal na lalaki mula sa Malolos, Bulacan.

Nabatid na si Jose Gabriel Delos Santos, ay nasa 6th place sa 2019 Electrical Engineer Licensure Exam habang ang kanyang kakambal na si Jose Raphael Delos Santos ay nasa ikawalong puwesto sa 2018 Nursing Licensure Exam na ginanap noong Nobyembre.

Ayon kay Jovenal Gaspar Madulid, tiyu­hin ng kambal ang dalawa ay isinilang na pre-mature na tumitimbang lamang ng tig-3 pounds.

Ang kambal ay magkaklase mula nursery hanggang high school pero nagpasiya na kumuha ng magkaibang kurso sa kolehiyo. (Juliet de Loza-Cudia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy