Una sa Balita

Kambal na supplier ng P3M party drugs, nalambat

0 517

BUMAGSAK sa kamay ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang magkapatid na babaeng kambal na umanoy ‘supplier’ ng party drugs sa mga high-end bars, clubs sa Metro Manila, kabilang ang dalawa pang kasabwat at nakumpiska sa kanila ang umaabot sa P3 milyong ha­laga ng iba’t ibang uri ng iligal na droga sa ‘buy-bust’ operation sa isang condominium unit sa Makati City.

Iniharap sa mga mamamahayag ni PDEA Director, General Aaron Aquino ang mga nadakip na sina Ruth Anne Compra Mabalay, 24-anyos; kakambal niyang si Sarah Mae Compra Mabalay; at ang mga umanoy kasabwat na half-Japanese na si Tetsuya Tristan Reyes, at ang event organizer na si Ryan Christopher De Vera Somera.

Nasamsam sa mga suspek ang 380 tabletas ng ecstasy na nagkakahalaga ng P1,140,000; 5 kapsula ng ecstasy na nagkakahalaga ng P15,000; 30 piraso ng cocaine na may timbang na 200 gramo na nagkakahalaga ng P1,247,000; 4 piraso ng plastic sachet na naglalaman ng 35 gramo ng Kush (P52,500.00); 23 assorted bottles ng liquid ecstasy (P400,000), 20 tabletas ng Clonazepam; 49 tabletas (Valium) Diazepam; 60 tabletas ng Mogadon (Nitrazepam); at drug paraphernalia, na umaabot lahat sa halagang P2,839,900.

Dakong alas-11:03 nANg gabi (Pebrero 8) nang isagawa ang ‘buy-bust operation’ ng Team Alpha ng PDEA Special Enforcement Service (SES) sa pamumuno ni Director Levi S. Ortiz, sa 18G A. Venue Suites (high-end condominium), na matatagpuan sa Salamanca Street, Poblacion, Makati City, at naaresto ang mga suspek.

Ayon kay PDEA Agent Winefredo Alagabia, ang mga nasamsam na iligal na droga sa mga suspek ay nagmula pa sa Amsterdam at The Netherlands. Idinadaan umano ni Mabalay sa ‘online’ ang mga transaksyon para maipuslit sa Pilipinas ang iligal na droga, at ang kakambal niyang si Sarah Mae ang katuwang nito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy