Una sa Balita

Kambal na pagsabog sa Marian Cathedral kinondena ng Malacañang

By
0 844

MARIING kinondena ng Malacañang ang naganap na dalawang pagsabog sa Mari­an Cathedral of Our Lady of Mount Carmel sa Jolo, Sulu na nagresulta ng pagkamatay ng 21-katao at pagkasugat ng mara­ming tao.

“We condemn in the strongest possible term the bomb explosions that occurred inside and outside the Mt. Carmel Cathedral in Jolo this Sunday morning which left many soldiers and civilians dead and scores injured,” ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sinabi ni Panelo na pinaiimbestigahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte kung sino ang nasa likod ng mga pag-atake.

“By their act of terrorism and murder of soldiers and civi­lians, the enemies of the state have boldly challenged the capabi­lity of the government to secure the safety of the citizenry in that region. The Armed Forces of the Philippines will rise to the challenge and crush these godless criminals,” dagdag pa ni Panelo.

Sinabi pa ni Pane­lo na hindi bibigyan ng awa ang gumawa ng krimen at dapat na makulong ang mga suspek.
Nagpaabot rin ng pakikiramay si Panelo sa pamilya ng mga biktima na karamihan ay mga nagsisimba lamang nang mangyari ang ­krimen.

Nangyari ang pagsabog pagkatapos ng ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law (BOL).

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy