Una sa Balita

Kambal na Nieto hinog na sa PBA

0 381

BAGONG kabanata ang susuungin ng kambal na Matt at Mike Nieto sakaling matupad ang pangarap na makapaglaro sa PBA.

Apat na taon silang hindi naghiwalay sa collegiate ranks, naging three-peat champions sa Ateneo.

Kasama ng Nieto twins ang teammates sa Blue Eagles na sina Isaac Go at 6-foot-3 shooter Adrian Wong, pati sina Vince Tolentino at ang anak ni coach Norman Black na si Aaron Black sa 71 amateurs na nagpalista sa 2019 Draft.

Projected first round picks ang mga Nieto sa Dec. 8 sa Robinsons Place-Manila, pero kung papalarin at magkita sa court sa susunod na season ay malamang magkaiba na ang kulay ng uniporme.

Bagong pakikipagsapalaran para sa dalawa ang pros.

“New environment, new culture, ibang league ito altogether,” ani 6-foot-1 guard Matt. “Mas paghihirapan namin dito kasi mga idol na kalaban dito.” (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy