Una sa Balita

Kambal na Marcelino pabibo; Lyceum pinugutan ang Letran

0 174

PINARAMDAM agad ng magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino ang tikas sa depensa upang akbayan ang Lyceum of the Philippines University sa 84-80 alpas kontra Colegio de San Juan de Letran Linggo ng hapon sa siklab ng 95th National Collegiate Athletic Association 2019 men’s basketball tournament sa Mall of Asia Arena, Pasay City.

Dahil sa ipinakitang laro ng LPU Pirates sa pangunguna ng kambal na Marcelino, nananatiling markado ang Pirates kahit wala na sa line-up sina CJ Perez at MJ Ayaay.

Tumikada si Jaycee ng 24 points kasama ang go-ahead basket upang makuha agad ang matamis na panalo at ilista ang 1-0 card.

“Our team is about honoring CJ and Ay for bringing us here. We’re grateful for what they did, but what’s important is what’s in front of us,” ani Lyceum coach Michael ‘Topex’ Robinson pagkatagpas sa kapitbahay sa Intramuros.

Naghabol ng apat na puntos ang Pirates sa unang canto, 17-21 subalit biglang uminit ang opesa sa second upang maagaw ang unahan, 47-39 sa halftime.

Kumana rin si Jayvee ng back-to-back points upang pangunahan ang kanilang 6-0 run at burahin ang five-point deficit sa huling apat na minuto ng laban.

Dikdikan ang banatan sa buong fourth quarter pero naging matatag ang Pirates sa endgame para kunin ang ngiti sa binyag sa dalawang team sa liga.
“The energy they bring to the team is really something super, super magical to us,” patungkol ni Robinson sa magkapatid.

Nirehistro ni Jayvee ang 18 markers habang nag-ambag si Reymar Caduyac ng 16 puntos.

Namuno sa opensa ng CDSJL Knights si Jerrick Balanza na tumipa ng 19 puntos. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy