Una sa Balita

Kambal na Marcelino, Nzeusseu bagong pangil ng Lyceum Pirates

0 209

DALAWANG sunod na season lumaro sa finals ang Lyceum of the Phi­lippine University Pirates, subalit wala na ang kanilang pambato na sina CJ Perez at MJ Ayaay kaya posibleng bawas ang pangil ng Intamuros-base squad sa 95th NCAA men’s basketball tournament na magbubukas ngayong araw sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Pero hindi nababahala si LPU head coach Topex Robinson.
“We have good acquisitions, new guys who are proven winners. ‘Yun ang exciting for us,” ani Ro­binson.

Mga pangunahing sandata ni Robinson sa opensa at depensa ang mga natirang beterano sa lineup. Ito’y ang kambal na sina Jaycee at Jayvee Marcelino, Mike Nzeusseu at Reymar Caduyac kaya paniguradong nandiyan pa rin ang ba­ngis ng Pirates.

“We’re just so excited with the opportunity for us. For us, it’s all about how we stay in the competition. It’s always about sustaining that kind ng paglalaro namin.” ani Robinson.

Ang mga nadagdag na players sa Lyceum ay sina Jayson David, Jerwyn Guinto at Renzo Navarro.

Masaya si Robinson dahil nagpapakitang gilas ang kanyang dalawang bataan sa Philippine Basketball Association, (PBA) lalo na si overall first pick Perez.

“We will honor them, thanking them for bringing us to where we are right now.” patungkol ni Robinson kina Perez at Ayaay.
Makikilatis ang LPU ngayong araw laban sa Colegio de San Juan de Letran. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy