Una sa Balita

Kambal na Marcelino isasagupa ng Lyceum

0 274

Mga laro ngayon:
(FilOil Flying V Centre)
12:00noon — Perpetual vs San Beda (Men)
2:00pm — JRU vs Mapua (Men)
4:00pm — CSB vs LPU (Men)

IBABA ng Lyceum of the Philippines Pirates ang magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino upang dungisan ang malinis na karta ng College of Saint Benilde Blazers pagharap nila sa NCAA 95 men’s basketball tournament.

Nasa third spot ang Pirates tangan ang 5-1 karta habang kasalo ng Blazers ang defending champion San Beda University Red Lions, magsisimula ang banatan ng LPU at CSB sa alas-4:00 ng hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan City.

Pangunahing armas ng Intramuros-based squad Lyceum­ sa opensa at depensa ang kambal na Marcelino pero tiyak na huhugot din ng puwersa si head coach Topex Robinson sa kanyang pambatong sentro na si Mike Nzeusseu.

Sa huling panalo ng Pirates,­ kumayod si Nzeusseu ng 18 points para payukuin ang Perpetual Help Altas, 87-85 noong Agosto 8. (Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy