Una sa Balita

Kambal na Marcelino huhugutan ng Lyce

0 251

Mga laro ngayon:
(Filoil Flying V Centre)
12:00nn — JRU vs San Beda
2:00pm — Letran vs Arellano
4:00pm — EAC vs Lyceum

GINAMIT ang bilis at higpit ng depensa kaya nakuha ng last year’s runner-up Lyceum of the Philippines University Pirates ang panalo kontra Letran Knights sa kanilang unang laro sa 95th NCAA basketball tournament.

Kinapitan ni Pirates head coach Topex Ro­binson ang magkapatid na Jaycee at Jayvee Marcelino sa opensa at depensa para payukuin ang Knights 84-80 noong Linggo sa Mall of Asia Arena.

Kaya naman, mu­ling huhugot ng puwersa si Robinson sa kambal pagharap nila sa Emilio Aguinaldo College Gene­rals ngayong alas-kuwatro nang hapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

“The energy they bring to the team is really something super, super magical to us,” patungkol ni Robinson sa magkapatid na point guard.

Tumikada sina Jaycee at Jayvee ng 24 at 18 points ayon sa pagkakasunod upang ilista agad ang 1-0 karta para sa Intramuros-based squad.(Elech Dawa)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy