Una sa Balita

Kambal Karibal, Bagani nagpapatayan

'Sinabotahe kami ng Kapamilya - Mga fan 'Puro kayo sigaw, patunayan niyo! - ABS-CBN

By ,
0 3,748

May pinagtatalunan na naman sa social media ang mga fan ng magkatapat na primetime series ng ABS-CBN at GMA 7, ang mga die-hard fan ng Bagani at supporters ng Kambal Karibal, respectively.

Ang bintang ng mga fan ng Kambal Karibal na pinagbibidahan nina Miguel Tanfelix at Bianc­a Umali, may cable disruptions o ‘sabotage’ sa kanilang fave series ng Kapuso network.

Ang mga nagrereklamong fan ng Kambal Karibal ay nagsasa­bing subscribers sila ng SkyCable na sister company ng Kapamilya network.

“Sinabotahe kami ng ABS-CBN!” sigaw nga ng mga fan ng Kambal Karibal sa social media.

Tinanong namin ang creative consultant ng Kambal Karibal, si Suzette Doctolero tungkol sa bintang na ‘yon ng mga fan ng kanilang series.

“Hindi ko kasi alam talaga kung may cable disruptions nga ba, nabasa ko na lang sa social media. Hindi kasi ako nakatutok last Monday and Tuesday dahil nasa daan ako. Pero mahirap ka­sing magsalita tungkol sa ganyan,” simula ng creative consultant ng Kambal Karibal.

Kilala sa pagiging matapang si Suzette at pinuna nga niya ang tungkol sa pagsasalarawan ng Bagani sa mga Babaylan sa series na ‘yon, pero pagdating sa bagay na ito na technical na ay hindi raw siya ang puwedeng magsalita.

“Ang alam ko, noon pa may ganyan na rin, ‘di ba? Pero dapat sina Ms. Angel (Javier-Cruz, head ng Corporate Communications ng GMA 7) ang dapat tanungin tungkol diyan,” sabi pa ni Suzette.

Kung igo-Google, maglalabasan nga ang tungkol sa pag-file noon ng Kapuso network ng reklamo sa NTC (National Telecommunications Commission) kaugnay ng signal disruption sa noontime show na Eat Bulaga.

Samantala, sinubukan na­ming kunin ang official statement ng GMA 7 thru Ms. Angel, pero nang mag-text kami rito kung puwede siyang tawagan ay hindi pa siya nakakapag-reply sa amin as of press time.

***

Pumalag ang ABS-CBN sa mga akusasyon sa social media na kesyo sinabotahe nila ang katapat na teleserye ng Bagani, ang Kambal Karibal.

Wala nga raw pananabotahe na ginawa ang ABS sa signal ng GMA sa ABS-CBN TVplus dahil maging sa normal na antenna ay nawalan din ng signal o feed ang Kapuso Network.

Isa ito sa puntong sinabi ng website na KapamilyaKingdom.com na mabusising hinimay ang katotohanan sa likod ng kumakalat na akusasyon na sinabotahe umano ng ABS-CBN ang signal ng GMA sa mga oras na ipinapala­bas ang Kapuso seryeng Kambal Karibal.

Sinabihan din nila na ‘ignorante’ ang mga fan ng GMA sa kung paano gu­magana ang isang DTV receiver na naipaliwanag na noong pang kasagsagan nang pang-aakusa rin ng GMA fans sa ABS-CBN ng pananabotahe naman tuwing Kalyeserye ng Eat BUlaga.

“E wala rin naman silang nagawa dahil receiver lang naman ng signal ang TVPlus. Shookt pa ang mga Kapuso nu’n dahil ‘yung inirereklamo nila e kagagawan pala ng beloved network nila,” sabi ng KapamilyaKingdom.com.

“Kaya ang ending, hanggang pagpapaimbestiga lang sa NTC. Wala namang napatunayang pananabotahe,” dugtong pa nila.

Pinuna rin ng website ang hindi paglabas minsan ng GMA ng datos mula sa AGB Nielsen na mas lalong nagpapatunay na nilalampaso sa ratings ng Bagani ang Kambal Karibal.

Maging ang lead star ng Kambal Karibal na si Kyline Alcantara ay hindi rin nakaligtas sa hanash ng site dahil pinuna rin nito ang pag-retweet ng young actress ng tweets tungkol sa umano ay pananabotahe.

“Sana kasi, magpaliwanag rin ang GMA para hindi nagmumukhang mangmang ang mga viewers nila. Hindi ‘yung sisigaw agad ng ‘sabotahe’ dahil lang sa hindi nila mapanood ang banong pag-arte ng mga Kamuning stars dahil sa problema sa signal ng favorite station nila. Next time, ‘pag may problema, GMA ang tanungin niyo; hindi ‘yung nananahimik na ABS-CBN.

Napaghahalata tuloy kung sino talaga ang No. 1 network. Pati sa panonood nila ng mga Kamuning shows, Kapamilya network pa rin ang nasa isip,” mataray na sabi pa ng ­KapamilyaKingdom.com. sa post nila.