Una sa Balita

‘KAMAY’ NI AGA, BINUHAY NG ABS-CBN!

0 112

Nagsanib-pwersa muli ang ABS-CBN at Powerplant Cinemas para sa week long cinema exhibition ng digitally restored at remastered films sa REELive the Classics mula April 5 hanggang 12.

Pormal na binuksan ito sa red carpet premiere ng 90s Star Cinema thriller na Sa Aking Mga Kamay na pinagbibidahan ni Aga Muhlach sa Powerplant Cinema 3.

“Nakakatuwa at nakakataba ng puso ang experience na ito, lalo na ngayon na hindi ako nakakagawa ng pelikula. Ito na ang pagkakataon ng mga tao na mapanood ito, pati na rin ako. Kasi ako mimso ay tuwing premiere night lang napapanood ang mga pelikula ko. Nakaka-inspire na gumawa muli ng mga pelikula,” sabi ni Aga.

“Ito ay napakagandang hakbang para sa pelikulang Pilipino, lalo na sa mga kabataan ngayon. Nagsisilbing oportunidad ito sa kanila na mapanood ang mga klasikong pelikula na may kakaibang storya, istilo at pagsasalaysay. Ito ang mga klasikong may saysay at akma para sa lahat,” sabi naman ng co-star ni Aga sa pelikula na si Christopher De Leon.

Ipinalabas noong 1996, ang Sa Aking Mga Kamay ay tungkol sa serial killer na si Gene Rivera (Aga) na brutal na pumapatay ng mga babaeng may asawa na dala ng matinding galit sa inang minsan ding nakiapid. Para makaganti sa NBI agent na tumutugis sa kanya — si Joven (Christopher)—gagawin niyang sunod na biktima ang asawa nitong si Camille (Chin-Chin Gutierrez).

Bukod sa nasabing Rory Quintos film, nagbabalik big screen din sa pamamagitan ng REELive the Classics ang Kokey ni Romy Suzara na nagdiriwang ng kanilang ika-20 anibersaryo; iba pang pelikula ni Aga Muhlach kagaya ng Sana Maulit Muli ni Olivia Lamasan at marami pang iba.

Punta na sa Powerplant Mall para mapanood ang mga digitally restored and remastered films mula ngayong Miyerkules (April 5) hanggang Martes (April 12).

Ang ticket ay nagkakahalagang P230 at mayroong discounted price para sa estudyante na P200. Para sa buong schedule, bisitahin ang www.facebook.com/filmrestorationabscbn sa Facebook.

NOVEN, MAY BAHAY AT LUPA NA!

NOVEN, MANNY VILLAR at Tawag ng Tanghalan finalists

Nag-courtesy call ang Tawag ng Tanghalan Grand Champion na si Noven Belleza kay Vista Land Chairman Manny Villar sa Coffee Project Shaw sa Mandaluyong City.

Kasabay nito ang pag-aabot ng susi bilang tanda ng ibinigay nilang bahay at lupa mula Camella.

Ang bahay at lupa mula Camella ay parte ng premyong ibinigay ng ABS-CBN sa Tawag ng Tanghalan ng It’s Showtime winner. Kasama rin sa litrato sina (mula kaliwa) Sam Mangubat, Marielle Montellano, Pauline Agupitan at Froilan Canlas Villar.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy