Una sa Balita

Kamatayan, giyera, hiwalayan, kasalan namayani sa Taon ng mga Baboy

0 658

Eddie, Barretto, Kris, KathDen, Miko

Ni: Rose Garcia

Ang kasalan tulad nina Jolo Revilla at Angelica Alita, Dianne Medina at Rodjun Cruz. Ang hiwalayan tulad nina Bea Alonzo at Gerald Anderson, Pia Wurtzbach at Marlon Stockinger, Catriona Gray at Clint Bondad.

Mga bagong panganak sa showbiz katulad ni baby Ziggy Dantes at mga expecting mommies tulad nina Solenn Heussaff at Anne Curtis.

Ang pagwawagi ng mga pelikula natin internationally ang ilan sa masasabing pinag-usapan sa taong 2019, o Year of the Pig, sa mundo ng showbiz.

Pero sa aming palagay, ang mga sumusunod ang masasabing naging maingay, o maituturing na mga newsmakers sa taong 2019.

BARRETTO WAR

Sa sobrang dami, at paulit-ulit na kasi, hindi na namin ma-recall ang simula ng sigalot ng Barretto family o sisters. Pero ngayong taon, masasabing tumodo na naman ang mga parunggitan ng magkakapatid na Gretchen, Marjorie at Claudine.

Damay ang mga anak/pamangkin na sina Dani Barretto nang magpakasal ito, at Julia nang ma-link kay Gerald Anderson.

Sa kabila ng pagkamatay ng ama nila na si Miguel Barretto, nadamay pa ang Pangulo ng bansa nang magkaroon ng eksena sa burol. Muntik pang maging “national issue” ang away na ito ng pamilya Barretto.

At hanggang ngayon, patuloy pa rin ang war sa kanila. Magkakampi sina Gretchen at Claudine versus Marjorie.

EDDIE GARCIA

Isa sa kinikilalang haligi ng industriya ang aksidenteng napatid ng kurdon ng production habang nagti-taping ito ng ngayo’y forever shelved na proyekto ng GMA-7 ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.

Pinag-usapan at naging dahilan din para mas maging maingat ang mga nasa production pagdating sa safety ng mga artista.

Ang latest ay pinagbabayad ng DOLE ang network ng halagang P890,000 sa pagkamatay ng aktor. Na sabi-sabi ay iaapela nga ng Kapuso network.

JULIA MONTES

Matagal na ring inactive si Julia Montes sa pelikula o telebisyon. Pero, napakaingay ng Kapamilya star dahil sa patuloy na pagkakaugnay niya kay Coco Martin. Ang balitang nabuntis, nanganak sa isang ospital sa Pilipinas ay hindi pa rin masagot-sagot hanggang ngayon. Pero, marami ang nakapansin na abala si Julia sa pagpo-promote ng MMFF movie ni Coco sa kanyang Instagram account.

Naku, kailan ba aamin si Julia, o kaya ay si Coco?

JULIA BARRETTO, BEA ALONZO at GERALD ANDERSON

Dahil sa break-up nina Gerald Anderson at Bea Alonzo at ang pagkaka-link nina Gerald at Julia Barretto, na-coined ang salitang “ghosting” sa magkarelasyon.

Isa sa masasabing pinag-usapan din nang husto ang naging break-up at diumano’y relasyon na nina Gerald at Julia na nagsimula nang magkasama sila sa movie. Ang dating “Ate” ni Julia kay Bea ay nawala na rin.

Umabot pa sa mga politiko ang eksenang ito, ha! Tipong nagbigay rin sila ng kanya-kanyang komento. Ganu’n katindi ang hiwalayan na ito.

ALDEN, KATHRYN: ‘HELLO, LOVE, GOODBYE’

Ang pagsasama sa pelikula ng dalawang prime stars ng Kapamilya at Kapuso na sina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang isa sa magandang nangyari sa film industry ng 2019. Surprised hit ang movie nila na kung tama ang alam namin ay umabot ng billion ang kinita worldwide. Ang “HLG” ang yet to beat ng magta-top 1 sa 45th MMFF ngayon.

Sa totoo lang, napakapositibo ng pelikulang ito dahil halos lahat ay nagkasundo na maganda ang pelikula, at bagay rin na magtambal sina Alden at Kathryn kahit sa pelikula man lang. Ang inaabangan ay ang pagpapatuloy ng tandem nilang dalawa.

KRIS AQUINO vs FALCIS

Of course, hindi mawawala si Kris Aquino sa pagiging newsmaker. Na kahit sa social media na lang halos visible si Kris, pero magkaganunman, isa pa rin siya sa pinag-usapan at inaabangan sa socmed.

Sa socmed din halos sinubaybayan ang kaso niya sa dating business partner na si Nicko Falcis dahil sa diumano’y problema sa pera.

Pagkatapos na ma-dismiss ang kaso, nagkaroon na rin naman sila ng personal, amicable settlement sa kaso at personal differences nila.

Sa ngayon, tahimik na ang magkabilang kampo. At inaabangan na lang sa ngayon ang pagbabalik-telebisyon ni Kris Aquino.

SARAH, MATTEO ENGAGEMENT

Isa pang good news ang pagkaka-engaged na ni Sarah Geronimo. Matagal na sinusubaybayan ang relasyon nina Matteo Gudicelli at Sarah kaya nang lumabas sa social media na may isang taon na palang engaged ang dalawa, halos lahat ay kinilig at masaya na sa kasalan mauuwi ang kanilang very challenging relationship.

RURU, BIANCA ISKANDALO SA PARKING LOT

Love at all cost ang drama ng pag-iibigan nina Ruru Madrid at Bianca Umali. Ang balitang lumabas na halos masagasaan ni Bianca si Ruru sa parking lot ng Megamall dahil daw sa selos at ang sweet-sweet-an moment na nila kinabukasan sa party ng GMA ay nakakaloka talaga.

Sa ngayon, yes, okey na okey ulit silang dalawa. Sa huling interview kay Bianca, masayang-masaya at super in love nga siya kay Ruru.

‘KADENANG GINTO’

Hindi rin matatawaran ang nagawang ingay ng seryeng “Kadenang Ginto” kunsaan, ang mga main cast nito ay pawang mas nabigyan ng malalaking oportunidad sa taong ito. Dalawa na sa mga ito ay sina Andrea Brillantes at Dimples Romana na inulan ng mga endorsement. Sangkaterbang meme at pagba-viral din ng mga photo, mga eksena nila ang pinagkaabalahan ng mga netizen ha.

Bagama’t sinasabing medyo lumaylay na ang kuwento ng “Kadenang Ginto” ngayon, marami pa rin ang nag-aabang sa mga bagong pakulo ng mga bida rin na sina Beauty Gonzales at Francine Diaz.

PAGKAMATAY NI MIKO PALANCA

Humabol pa bago magtapos ng taon ang pagkamatay ni Miko Palanca sa edad na 41. Hindi siya masyadong napag-uusapan noong nabubuhay pa, maliban lang noong naging magkarelasyon sila ni Bea Alonzo. Pero nang mamatay ito, biglang naalala ng mga tao kung sino si Miko at marami rin ang nalungkot lalo na sa naging dahilan ng kamatayan niya.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More