Una sa Balita

Kamara sinisi sa nakaambang brown out sa Iloilo City

By
0 221

Mananagot ang House Committee on Legislative Franchises, ayon sa isang kongresista kapag nilamon ng dilim dahil sa brown out ang buong Iloilo City bunsod ng kabiguan na i-renew ang prangkisa ng Panay Electric Company (PECO).

Kinuwestiyon ni Anak Mindanao Party-list Rep. Makmod Mending, kung bakit hindi inaktuhan ni Palawan Rep. Franz Alvarez ang aplikasyon ng PECO sa kabila ng pahintulot ng ­Energy Regulatory Board (ERB) na ipagpatuloy ang operasyon nito simula pa noong Nobyembre 22, 2017.

Mapapaso ang prangkisa ng PECO sa pagtatapos ng taon.

“Congress will face people’s wrath if the non-renewal of PECO’s franchise will result to power crisis in Iloilo City,” babala ni Mending.

Binatikos naman ni PECO executive Randy Pastolero ang paspasang aksiyon ng Kamara sa pag-apruba sa MEPC gayung inupuan diumano ang kanilang aplikasyon.

“A power grab, that’s what it is,” ani Pastolero.

“A company (MEPC) that has no experience and qualifications to run an electric distribution utility will put (Iloilo) city in high risk of a power crisis,” paghahayag ni PEPOA president Atty. Ranulfo Ocampo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy