Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kamara naghahanda sa pagbakuna ng A3

0 34

Pinaplano na ng Kamara de Representantes ang pagbigay ng COVID-19 vaccine sa mga empleyado nito na kabilang sa A3 category o mga taong may comorbidity.

Isang listahan ang hinanda ng Kamara para sa mga opisyal at empleyado na target turukan ngayong buwan ng CoronaVac, ang bakuna na gawa ng Chinese-based na Sinovac Biotech.

Batay sa memorandum ni House Secretary General Mark Llandro Mendoza, kailangang magpakita ang empleyado ng medical clearance sa doktor na nasa vaccination area bago ito bakunahan.

Ang medical clearance ay katunayan na ang isang indibidwal ay handa o maaaring bigyan ng coronavirus vaccine.

Hindi tinukoy sa memorandum ang eksaktong petsa ng pagbabakuna. (Billy Begas)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.