Una sa Balita

Kamara lagare sa panukalang badyet ng 2020

0 228

BAWAS ang pahinga ng mga miyembro ng Kamara simula sa susunod na linggo dahil extended­ hanggang Biyernes ang pagdaraos ng public hearing at sesyon upang masiguro ang mabilisang pagpapatibay ng panukalang P4.1 trilyong budget para sa 2022.

Ayon kay Appropriations panel chair at Davao City 2nd district Rep. Isidro Ungab, agad na magsisimula ang public hearing oras na maisumite na sa Kamara ang 2020 National Expenditure program ngayong Martes, Agosto 20.

Sisikapin ng komite ni Ungab na maagang matapos ang panukalang budget upang hindi ito matulad sa 2019 national budget na nitong Abril lamang napirmahan ni Pangulong Duterte dahil sa awayan sa pork barrel fund ng Senado at Kamara.

“We will do our best to approve the budget on time and exercise our constitutional duty to scrutinize the budget to make sure that every peso that we appropriate will contribute to the overall growth and development of the country,” saad ni Ungab.­

Target ni Ungab na matapos ang budget hearing sa ikalawang linggo ng Setyembre upang masimulan agad ang plenary deliberation at maaprubahan sa Oktubre 4 bago sumapit ang recess.

Naunang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang panukalang budget sa susunod na taon ay cash-based appropriation program at magiging prayoridad ang pagpapabilis ng proyekto sa infrastructure, anti-poverty, at pro-employment na gastusin.

Ipagpapatuloy din ang flagship program ng administrasyong Duterte na Build, Build, Build Program.

Magkakaroon naman ng bagong paglalaanan ng budget sa 2020 tulad ng implementasyon ng Universal Health Care Act; Bangsamoro Organic Law; liberalization ng rice importation upang masiguro ang food security; Pantawid Pamilyang Pilipino Program; at pondo ng Department of Human Settlements and Urban Development. (JC ­Cahinhinan)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy