Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kamara kinalampag sa 2 tsinuging magsasaka

0 118

Naghain ng resolusyon ang mga miyembro ng Makabayan bloc at pinaiimbestigahan ang umano’y pagpatay sa dalawang magsasaka sa Sampaloc, Quezon.

Sa House Resolution 2372, hiniling din ng mga kongresista sa House Committee on Human Rights na kondenahin ang pagpatay kina Arnold Buri at Jorge Coronacion, matandang magsasaka na may problema sa paningin.

Ayon sa Tanggol Magsasaka-Timog Katagalugan, organisasyon ng mga magsasaka, sina Buri at Coronacion ay pinaslang ng mga sundalo noong Nobyembre 17 habang papauwi ang mga ito.

Sinabi ng mga sundalo na ang dalawa ay miyembro ng New People’s Army at napatay sa engkuwentro.

“Pinalabas ng mga militar na mga myembro daw ng NPA ang dalawang magsasaka. Pero ayon mismo sa pamilya ng mga biktima, sa barangay captain at mga taga-komunidad, hindi totoo ang akusasyon ng mga militar laban sa kanila,” sabi ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat.

Sinabi naman ng Karapatan-Southern Tagalog na walang narinig na palitan ng putok ng baril ang mga residente. (Billy Begas)

Leave A Reply

Your email address will not be published.