Una sa Balita

Kamara, DOTr lumambot sa Angkas

By
0 346

NAGKASUNDO ang Kamara at Department of Transportation (DOTr) sa panukalang pilot run ng motorcycle ride-hailing service na Angkas bilang isang test case sa pagbalangkas ng angkop na regulasyon sa motorcycle taxis.

Inihayag ni DOTr Assistant Secretary Mark de Leon na dalawang beses nang nagpulong ang Technical Workin­g Group (TWG) upang pag-aralan ang mga regulasyon para sa motorcycle taxis bilang public utility vehicles.

Sa pagdinig sinabi ni Manila Representative Cristal Bagatsing na walang humpay sa pagtatanong sa kanya ang kanyang mga constituent sa iba’t ibang barangay sa Maynila kung kailan babalik ang Angkas.

Binigyang-diin din ni House Committee on Metro Manila Development chairman Rep. Winston Castelo na ang provisional authori­ty sa pagpapanumbalik ng ope­rasyon ng Angkas ay kailangan ng libo-libong nahihirapan sa pagko-commute.

Nagpasasalamat sa DOTr si Angkas Head of Regulatory and Public Affairs George Royeca sa kinahinatnan ng usapin.

Mahigpit ding isinusulong ni Congressman Arnolfo Teves, Jr., ng Ikatlong Distrito ng Negros Oriental, ang muling pag-arangkada ng Angkas.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy