Una sa Balita

Kamara: Basura ng Korea lusot sa BOC, droga pa kaya?

By
0 522

PINUNTIRYA ng ilang kongresista ang polisiya ng Bureau of Customs (BOC) kaugnay sa nakalusot na imported na basura galing sa South Korea.

Sa joint hearing kahapon ng House committees on ecology, local government, at good government and public accountability, inusisa ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate kung may import permit ang kargamento.

Ang tinutukoy ng solon ay ang tone-toneladang basura na naka-consign sa Verde Soko ­Philippines na itinambak sa Phividec Industrial Estate sa ­Misamis Oriental.

Nagpaligoy-ligoy ng sagot at hindi makatugon nang diretso ang mga kinatawan ng BOC na ­humarap sa pagdinig.
Ayon naman kay Antipolo City Rep. Romeo Acop, dahil sa butas-butas na polisiya ng BOC ay hindi lang basura ang makakalusot kundi pati na ang iligal na droga.

Hindi na aniya dapat ipagtaka kung maraming naipupuslit na iligal na droga sa bansa.

“Imbestigador na po ako pero nalilito pa rin ako, ang sinasabi po ninyo dumating ‘yung cargo may special permit na, nu’ng dumating pinayagan n’yo na madala sa Phividic, Tama? May bantay ba ang Customs du’n?” tanong ni Acop.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy