Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kamara balik-sesyon sa Lunes

0 193

Balik-sesyon ang Kamara bukas matapos suspendihin ang nagdaang linggo dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Metro Manila dala ng Omicron variant.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco sa pagbabalik sesyon bukod sa mahigpit na pagpapatupad ng regular sanitation and disinfection, patuloy pa ring ipapatupad ang online HousePass system bilang bahagi ng regular health at security protocols na itinakda ng kapulungan.

Idadaos pa rin ang Plenary sessions sa pamamagitan ng online o hybrid at 20% lamang ng workforce ng bawat department at opisina ang papayagan pumasok.

Hanggang Pebrero 4 na lamang ang sesyon ng Kongreso dahil mag-a-adjourn para bigyan daan ang panahon ng halalan. (Eralyn Prado)

Leave A Reply

Your email address will not be published.