Una sa Balita

Kalusugan ni Duterte isasapubliko – Palasyo

By
0 343

Ipapaalam umano ng Palasyo sa sambayanan ang magiging resulta ng medical consultation ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo kasunod ng nakatakdang konsultasyon ngayong Miyerkules ng Pangulo sa kanyang neurologist dahil sa iniindang sakit sa likod matapos sumemplang sa motorsiklo.

“The public need not be apprehensive about the President’s health. He shall inform our countrymen on the result of his medical consultation,” paniniyak ni Panelo.

Pinaliwanag pa ng kalihim na malalaman sa konsultasyon ng Pangulo sa kanyang doktor kung ang iniindang sakit sa likod ay may kinalaman sa dating spinal injury nito na pinalala ng kanyang pagkasemplang nitong nakalipas na linggo.

“His consultation with the doctor is aimed at determining the medical condition of his body, as well as finding out whether his previous spinal injury from a past motorcycle accident has been aggravated by his recent fall,” dagdag pa ni Panelo.

Hindi tinapos ng Pangulo ang kanyang biyahe sa Japan matapos dumalo sa enthonement ni Emperor Naruhito dahil sa matinding sakit nannaramdaman sa kanyang likod at nagpasyang bumalik agad sa Pilipinas.

Ang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang kumatawan sa Pangulo sa ilan pang mahalagang aktibidad na dapat sanang daluhan nito sa Japan. (Aileen Taliping)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy