Una sa Balita

Kalusugan ng mga manggagawa

By
0 66

Ipinagdiwang sa buong mundo ang World Diabetes Day noong isang linggo sa pangu­nguna ng World Health Organization (WHO).

Alam niyo po ba na anim na milyong Filipino ang may diabetes ngayon. Ayon sa Philippine Center for Diabetes Education Foundation, posibleng madoble ang bilang na ito sa taong 2040 dahil sa mga hindi nagpapakonsulta na posibleng may diabetes. Isa ang sakit na ito sa mga pangunahing sanhi ng pagkamatay sa bansa.

Nasa lahi nating mga Filipino ang sakit na diabetes. Ibig sabihin, namamana ito. Sinisisi rin ang labis na pagkain o obesity at lifestyle kung bakit mataas ang bilang ng mga Filipinong may diabetes.

Madaling kapitan ng sakit na diabetes ang mga manggagawa dahil sa mataas na lebel ng stress at kawalan ng sapat na tulog at ehersisyo. Pangunahin po diyan ang mga BPO workers o call center agents na kalimitang gising sa gabi kaya hindi maiwasan ang labis na pagkain at paninigaril­yo para mairaos ang kanilang trabaho.

Isipin niyo po, kung hindi mabibigyan ng sapat na kaalaman o atensyong medikal ang mga manggagawang may diabetes, malaki ang magiging epekto nito sa kanilang trabaho. Sa katunayan, dahilan ang pagkakaroon ng diabetes kung bakit hindi natatanggap sa trabaho ang ilan nating mga kababayan.

***

Job Fair Schedule (November 20-26)
Tanuan City Job Fair

New City Hall, Brgy. Natatas, Tanauan City, Batangas
November 20

LGU-PESO Iligan City Job Fair
Robinsons Place Iligan City Atrium
November 21

Tagum City Mini-Job Fair for Overseas Employment
PESO Tagum Office
November 21

2017 Indigo Job Fair
Municipal Hall, Tagum, Abra
November 23

2017 PESO – LGU Abucay Job Fair
Ground Floor – Municipal Hall of Abucay, Bataan
November 23

2nd Pyagsawitan Festival Job Fair
New Municipal Bldg., Poblacion, Maragusan, Comval Province
November 23

PESO LGU Morong Job Fair
Municipal Covered Court, Morong, Bataan
November 24

PESO Job Fair
PESO Davao Dug-Out DCRC, Davao City
November 24

Trabaho, Negosyo, Kabuhayan Job Fair
Rolando Andaya Multi-Purpose Gym, Municipal Compound, Sorsogon City
November 24

(senatorjoelvilla­nueva@yahoo.com)