Una sa Balita

Kaluluwa ng alagang pusa nagpakita

0 231

MGA ka-Misteryo ­marami nang pagkakataon na ­nakitang himihiwalay sa katawan ang kaluluwa ng tao, pero halos walang testimonya na ganito ang nangyayari ‘pag namatay ang alagang hayop tulad ng pusa.

‘Yan ang ating paksa ngayon: “Basta may Misteryo, Alamin ang Totoo!”

Tinamaan ng sakit na pneumonia ang alagang pusa ni Marie ng ­Maynila dahilan para ito ay ­pumanaw sa edad na 19-anyos. ­Maituturing nang matanda sa ganu’ng edad ang pusa at ­maaaring maihambing sa edad ng tao na higit 90.

Habang karga ni Marie ang alaga bago ito sumakabilang ­buhay ay nakatitig sa kanya ang mga mata nito at tila ­nakikiusap na huwag siyang malulungkot sa paglisan ng alaga.

At nang sabihin ni Marie na kaya ­niyang tanggapin bagaman ­masakit sa kanyang ­kalooban ay unti-unting nalagutan ng hininga ang kanyang alaga.

Dito nakita ni Marie kung paano lumabas sa katawan ng kanyang ­alaga ang kaluluwa nito at ito ang inusisa ng #­TeamMisteryo.

Team Misteryo: “Paano siya lumabas sa kanyang katawan?”

Marie: “Makapal na usok ang nakita ko mula sa kanyang ulo at nabuo siyang hugis pusa sa floor at kita ko siyang naglakad-lakad sa loob ng unit ko.

Team Misteryo: “­Nagawa mo ba siyang kausapin nang nakalabas na ng katawan?”

Marie: “Nakausap ko siya sa isip at makulit nga eh…sinabi niyang ­hindi naman siya nawala at magkakasama pa kami.”

Ang karanasan ni Marie ay patunay ­lamang na maging ang mga ­alagang hayop tulad ng pusa at aso ay meron ding kaluluwa na kailangan ding ipagdasal ‘pag sila ay namayapa na.

***

Para sa inyong kuwentong kababalaghan, mag-email sa TeamMisteryo2019@gmail.com. ­Bisitahin ang www.reytsibayan.com at Abante.com.ph.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More