Una sa Balita

Kalsada sa Miami ipapangalan kay Wade

0 343

PAPALITAN ang isang street sa Miami na ipapangalan kay former Miami Heat superstar Dwyane Wade.

Inanunsyo ni Miami Mayor Francis Suarez nitong Martes (Manila time) na ang Northeast Seventh Street, malapit sa Biscayne Boulevard harap ng AmericanAirlines Arena, ay papalitan bilang ‘Dwyane Wade Boulevard’.

Post ni Mayor Suarez (@MiamiMayor) sa Twitter, “#Miami has always been #WadeCounty but, today, it’s official. After giving ­@Dwyane­Wade the Key to the City, we’re now designating the street fronting Biscayne Blvd as Dwyane Wade Blvd. This solidifies D Wade not only as a @MiamiHEAT hero, but a @CityofMiami hero.”

Ibinahagi rin nito sa video na aprubado unanimously ng Miami City commissioners ang resolution.

Nitong Sabado, nagkaroon ng isang seremonya ang Miami Heat para sa retirement ng jersey number 3 ni Wade. (JAT)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More