Una sa Balita

Kalsada sa Maynila laging butas kahit bago

0 452

Dear Abante:

Bakit kaya hindi magawa ng DPWH na tumagal ang semento ng kalsada?

Hindi ubra ang kanilang ginagawa na band aid ­solution, pag nagkaroon ng butas ay tatapalan lang nila pero ‘pag umulan wala na… butas na agad.

Nagtataka rin naman ako at siguro hindi lang ako… napapansin ko kasi, may aayusin silang kalsada pero sobrang tagal nila ito gawin inaabot nang ilang buwan minsan pa nga taon, pero ‘pag naayos naman ay maganda at maayos, ‘yun nga lang mga ilang araw lang at lalo na ‘pag umulan ay nababakbak at nagkakabutas-butas ang kanilang ginawang kalsada.

Sayang lang ang kanilang ginawa pati na ang pinambili ng materyales.

Tingnan ninyo ‘yung kalsada sa Roxas Blvd na malapit sa US Embassy, maiinis ka na matatawa kapag dumaan ka kasi hindi pantay-pantay pero kakagawa lang ng DPWH ito.

‘Yung flyover na papunta sa Jones Bridge sa Maynila, akala mo nasa buwan ka kapag dumaadan kasi pataas na puro lubak-lubak… hindi ba ito nakikita ng DPWH? Ang pangit naman siguro kung ‘yung Jones Bridge ay mala-Paris ang datingan dahil pinapagawa ni Yorme, at ‘yung kalsada naman ay lubak-lubak wala ring kuwenta ang pagpapaganda.

Bega Pors ng Tondo

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy