Una sa Balita

Kalsada hindi parking lot

0 401

Dear Abante:

Sa lahat ng polisiya na dapat ipatupad, dapat lang na ipatupad ang ‘no parking lot, no car policy’. Bakit? dahil hindi parking lot ang kalsada.

Ang kalsada na sinasabi ko ay ‘yung mga kalsada na may bahay sa tabi o may palengke. May bahay nga pero hindi ibig sabihin ay puwedeng maglagay ng kotse sa harap. Hindi lang sa may kalsada na may bahay, kundi sa malalaking kalsada katulad ng EDSA. Nasa tabi nga ang mga kotse pero nakakaabala pa rin iyan kahit papaano.

Hindi parking lot ang kalsada na basta-basta ka lamang magpa-park. May mga ‘rent a parking space’ naman na puwedeng matagpuan kung saan malapit sa kanilang tirahan. May mga tamang lugar at may mga lugar na hindi dapat nagiging ‘museum’.

Ang ating kalsada ay dapat na bigyang halaga dahil iyan ay ating dinadaanan at tinatapakan. Ito rin ay nagbibigay ng direksyon para mapuntahan natin ang dapat nating puntahan. Dapat natin ito panatilihing malinis at maayos dahil importante rin ito sa atin.

Regina Claire Granada

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy